Saturday, February 18, 2017

Dalagita, Ni Rape, Pinatay at Itinapon sa Putikan ng Sariling Tiyuhin




Isang malagim na kamatayan ang sinapit ng isang 17 year old na babae matapos gahasain, patayin at itapon sa putikan ang kanyang bangkay sa kamay ng kaniyang sariling tiyuhin sa Masbate noong February 14.

Ayon sa ulat, ginahasa umano ang biktima na nakilalang si Mariah Aira Poe y Dalanon, 17-anyos at Grade 10 student ng Alejandro Delos Reyes Integrated High School (ADRIHS) at residente ng nasabing barangay, samantala ang suspek ay kinilalang si Amador Dalanon y Cos, 32 anyos, may live-in partner at residente ng Purok 1, Brgy. Cagay sakop ng nasabing siyudad. 


Itinapon pa ang bangkay ng kawawang dalaga sa putikan sa ilog sa Purok 6 ng Brgy. Cagay kung saan nakatira ang kanilang pamilya .

Naaresto naman kaagad ang suspek na nakilalang si Amador Dalanon Cos, 32-anyos, residente rin ng kaparehong barangay at kapatid mismo ng ina ng biktima.

Sa salaysay ni Rovelyn Dalanon y Cos, 39 anyos, ina ng biktima at kapatid ng suspek, petsa 14 ng Pebrero, dakong alas 5 ng hapon nang hindi na nakauwi pa ang biktima.

Kinaumagahan (Peb 15) ay agad na inireport sa pulisya,ng ina ng biktima ang pagkawala ng anak.

Makalipas ang dalawang araw, (Peb. 16) dakong alas 7:00 ng umaga, nang matagpuan ang wala nang buhay niyang anak, nakasubsob sa putikan, sa ilog ng Purok 6, sakop ng nasabing barangay.

Agad na dinala sa Pipo's funeral parlor ang bangkay para sa otopsiya.

Hinuli din agad ng pulisya, sa tulong ng barangay tanod ang suspek.

Sa salaysay ng isang testigo, ang suspek umano ang huling nakitang kasama ng biktima.





Watch the video below: Credit to the Owner.



Source: Facebook 

No comments:

Post a Comment